Sunday, March 3, 2013

PatalaSANLAHI 2013 Winning Poster

"Virtual Reality, Escape From The Real World"

by Rongil Gebilaguin

The Puppeteer

PatalaSANLAHI 2013 Winning Essay (English)

The Puppeteer
By Alvin M. Ramos

                “I fear that one day, all the gadgets we invented to help, will turn us all into idiots.”
                We live in a world where in everything we do, we always look for an easier way of doing it. We hunger for the instant methods; well, we have to, in order to go with the fast pace of life today.
                Instant messaging, instant medicines, instant foods – products of mankind’s endless longing for convenience; but if there were any better example of how instant the world has gone today, it would be the internet.
                One click and it’s done, whatever you’re trying to do, that’s how internet works. Its prowess is infinite. It holds limitless knowledge; connects thousands of different bloodlines and races; and contains a billion years worth of history; all equivalent to 1.2 terabytes of memory.
                For me, internet is man’s greatest achievement so far for it has given him unlimited power in his hands, a gateway to unbounded privileges. Unbounded…for now.
The internet poses danger too, that’s a sad reality we have to accept. This danger has forced our country’s lawmakers to start restricting the Filipinos’ power over the internet. A law called the Cybercrime Act was passed and is now being implemented. The resistance of the Filipino netizens rose of course, claiming their freedom of expression in the internet, specifically, the social networking sites; to have been stolen by this act. But as far as I’m concerned, I think this act is only a call to all of us. Is freedom worth what we do out of it?
In the internet, what’s done is done. If you post something on Facebook, it is shared to the whole world. If you click the like button, your opinion is broadcast among your network of friends. Your actions cannot be undone, once the world sees what you shared in the net, there is no turning back to their compliments and criticisms, however harsh they may be.
What if one day, out of your rage, you posted something humiliating about someone else on the Facebook, Twitter, etc? This someone is faced to the “cybermob” he could never escape nor could he defend himself from their comments. That is the danger our freedom over the internet has laid upon us. We feel like we’ve become gods so we just say whatever we want to say, because there are no limits.
That is why in whatever we do in the internet, social responsibility must be in there. For upon creating the internet, we created a separate world completely different from the one we live in. the laws of man are not acknowledged in the dimensions of the internet. It is entrusted to us, the gods of the internet, the responsibility of creating ethical boundaries in whatever we do in this 1.2 terabytes of memory because after all, the internet doesn’t think for itself. We always have been and always will be the controllers of what we create. If you are not ready to be a good netizen then don’t be a netizen ar all, right? Set the limits for ourselves!
                Because in the end, a gun wasn’t invented to kill but to protect. No matter how bad an invention turned out to be it was always first designed to help. After all, it is we who decide how we put them into use, it is we who pull the strings.

Kung Ito’s Totoo Ngang Sa Atin…


PatalaSANLAHI 2013 Winning Essay (Filipino)

Kung Ito’s Totoo Ngang Sa Atin…
Ni Bren Justin Fajardo


Isa sa mga mahahalagang salik upang matawag na bansa ang isang bansa ay dapat itong magkaroon ng teritoryo; sa lupa, karagatan, at himpapawid. Ang teritoryo ay magsisilbing pundasyon para gawin ng pamahalaan ang kanyang mga magandang adhikain. Ang pagkakaroon ng teritoryo ay isang pagkakaroon ng katiwasayan. Maidadagdag pa rito na dapat respetuhin ng mga iba pang bansa ang pagkakaroon ng teritoryo ng isang bansa.
                Ano nga ba ang nangyari sa Sabah?
                Nagkaroon ng alitan pagitan sa mangilang-ngilang pamilyang Pilipino at pamilyang Malay. Ito ay umabot sa puntong ang sultan ng Sulu ay naghihimutok sa galik nang malamang ang ilan sa kanyang tao ay pinaslang ng mga Malay para lamang sa katiting na lupa. Bairlan doon. Patayan diyan. Mula sa mga unang araw ng Standoff hanggang sa puntong ang aking tinta’y umaabot sa kuwit na makikita sa dulo nito, ang tensiyon ay tumitindi at umaabot sa pandaigdigang level. Nagpadala na ng kanilang mga pwersang military ng dalawang bansa sa mga hangganang hindi mapayapa ng Sabah.
                Ang Sabah ay nasa isla ng Borneo, ang ikatlong pinakamalaking isla sa mundo. Ito ay madalas makikita sa mapa ng Pilipinas sa gawing baba nito. Sa sobrang lapit ng Sabah sa Pilipinas, ang mga Tausug ng Sulu ay kayang kaya pumunta roon sa pamamagitan ng kanilang Vinta. Ang Sabah ay nagtataglay ng mga langis na nagagamit nang lubusan ngayon ng bansang Brunei.
                Aha!
                Ang wika ng mga matatanda, “Kung ito man ay may halaga, tiyak may mawawalan at may mabibigyan.” Ito bang lahat ay konektado sa paglinang sa langis? Kaya’t may mga natatamaan ng palakol ni kamatayan ay dahil sa itim na likidong nagmula sa mga patay na hayop at halaman?Mababaw…
                Sa kasaysayang ng bansa, ang Sabah ay parte ng isang sultanato sa Sulu maraming taon nang nakararaan. Di naglaon, ito’y ipinaupa ng isang sultan sa maliit na bilang ng mga Malay. Hindi na ito naibalik sa atin. Sa tala pa ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, nagkaroon siya ng pagpupulong kasama ng president ng Malaysia kung kanino ba talaga ang Sabah. Napatunayan dawn g mga Malay na ibinenta sa kanila at hindi ipinaupa ang Sabah sa kanila. Tapos na ang kaso.
                Ang pagkakakilanlan ng Sabah ay nakukuwestuyon muli. Ang standoff sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas ay nagkakainitan. Dapat bang makibahagi ang gobyerno ng Pilipinas sa gobyerno ng Malaysia pagdating sa usapang pagmamay-ari ng Sabah?
                Kung ito’y totoo ngang sa atin, oo naman! Responsibilidad ng gobyerno ang protektahan ang nasasaklaw nitong teritoryo at pangalagaan ang atiwasayan ng mga tao nito. Hindi dapat magpapatulak-tulak lang ang bansa sa puwersa ng mga Malay. Itanim nito ang kanyang mga paa sa lupang ipinaglaban nina Lapu-lapu hanggang Macario Sakay mula sa mga banyagang nangangahas kunin ito sa atin. Ang pagtatanggol ng pamahalaan ay pagtatanggol na rin sa kanyang mga nasasakupan. Ang katatagan ng loob ng mga opisyales ay masusubukan. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit atin sila’y niluklok sa kani-kanilang puwesto – ipagtanggol ang mga teritoryo ng bansa.
                Kasaysayan. Ang Sabahy ay totoo ngang sa atin. Base na rin ito sa pinasa-pasang tradisyong oral na nanggaling pa sa mga ninuno sa atin. Ang mga tao roon at mga tao ng kalakhang bansa ay magkahawig sa anyong pisikal at lengguwahe. Hindi rin naman ipagtatanggol ng mga matatapang nating Tausug kung wala naman sila sa lugar. Sabin a rin sa isang nakapanayam ni Jessica Soho, ang mga Tausug ay nabansagang matatapang dahil ipinaglaban nila ang totoo ngang sa kanila kaya’t ang nasasakop ng dating Sulu at ng Sulu ngayon ay iisa. Nataboy ng mga Tausug ang mga mananakop na gusting kumuha ng kanilang lupa – kabilang na dito ang Sabah.
                Kayamanan. Ang Sabah ay nahimlay sa mayamang isla ng Borneo. Ang Borneo naman ay nahihimlay sa balat ng mundo kung saan may petrolyo. Ito ang rason kung bakit mayaman na ang Brunei. Ang pagkakaangkin ng mga langis dito ay mangangahulugang mahalang yaman sa sinumang makakakuha ng kapit dito.
                Katatagan. Ang pagsubok sa pag-aangkin ng isang teritoryo ay isa ring tanglaw kung anong meron ang mga lider n gating bansa. Ang kaguluhan sa Sabah ay matatapos sa diplomatikong pamamaraan. Walang bomba, baril, patayan ang kinakailangan upang masugpo ito. Ang kailangan ay isang masinsinang usapan. Ilatag lahat ang gusting maibahagi. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.
                Kung sariwa pa sa isipan natin, ang standoff sa Sabah ay maipagkukumpara sa standoff sa Scarborough Shoal. Ang idinidiin ng Tsina ay ang kasaysayan nila sa Scarborough Shoal. Pinupunta naman sa ilaw ng Pilipinas ang Economic Exclusive Zone, distansya ng Scarborough Shoal sa dalawang bansa at ang unti-unting pang-angkin ng Tsina sa isla ng Panatag Shoal. Pagiging walang bahod ng pagpapabor, ang Scarborough Shoal ay totoo ngang sa akin, sa iyo at sa lahat ng Pilipino. Upang makalimutan na ang alitan sa pagitan ng dalawang bansa, pakikipag-usap nang masinsinan ang kailangan. Ang standoff sa Scarborough Shoal at sa Sabah ay may pagkakatulad. Hindi dapat makibahagi ang gobyerno ng Pilipinas sa Tsina at Malaysia. Ito’y ngang totoo sa atin.
                Upang masiguro ang inilahad ko sa huling dalawang pangungusap na aking sinulat, ang kailangan ng gobyerno ay isang matatag na puwersang military, tumataas na ekonomiya at mga kompetetibong lider. Ito ay dahil ang mga nabanggit ay mga salik upang hindi na magkaroon ng pagbubuwis ng buhay kapag may pangyayaring tulad nito. Isa pa, upang magkaroon ng supremong awtoridad sa mga nasasakupan nito. Ang mga sangkap na ito ay makakagawa ng isang langis–politikal na magpapaandar sa biyahe ng bawat Pilipino patungo sa tuwid na daan at maunlad at matiwasay na kainabukasan.
                Kung meron mang ibabahagi ang gobyerno sa Malaysia at karatig-bansa, ito ay ang pagkakaroon ng rebolusyon sa tuwing magkakaroon ng problema. Ang aking tinutukoy na robolusyon ay hindi yaong katawan, dugo at kaluluwa ang kapalit matapos ang alitan. Ito ay ang rebolusyon kung saan ipinadarama nito sa iba kung ano ang lakas ng puwedeng taglayin ng malaking bilang ng tao na mayroong iisang panata at adhikain. Ang lakas nito ay higit pa sa lakas na mayroon ang mga gamit-pandigma. Ang rebolusyon na binubuo ng panata at magandang adhikain ay isang rebolusyong hindi mapagkailan ma’y malilimutan. Ang rebolusyon na gagawin ng gobyerno at sambayanang Pilipino ay isang hakbang tungo sa kalangitang maliwanag sa ating lahat at sa mga sinag ng araw na kikiliti sa ating balat matapos isagawang konkreto ang kung ano ang nasa isipang nalilikha. Ang gobyerno ay nasa tamang proseso ng pagtanaw ng pag-aangkin nito sa Sabahy at sa kung ano pa mang tipak ng lupa mayroon ang Perlas ng Silanganan. Ang tinta ng aking panulat na bolpen a tinapos na ang pagganap nito sa ating lipunan – ang hindi pakikibahagi ng gobyerno sa Sabah na totoo ngang sa atin.

PatalaSANLAHI 2013: #OnlineRevolution, R U With Us?


UP Sanlahi Alliance
In cooperation with Moonleaf Teashop and WABS Printing & Equipment Rental

presents

PatalaSANLAHI 2013: #OnlineRevolution, R U With Us?
Bulwagang Tandang Sora, CSWCD, UP Diliman
March 3, 2013




WINNERS:

ESSAY WRITING CONTEST
CHAMPION: Alvin M. Ramos (Luis Palad National High School)
1ST RUNNER UP: Beatriz Zamora (Tarlac State University)
2ND RUNNER UP: Danielle Allyson Miranda (Saint Louis College)

PAGSULAT NG SANAYSAY
CHAMPION: Bren Justin Fajardo (Don Bosco Technical Institute)
1ST RUNNER UP: Aira Espanol (Philippine Science High School –Ilocos Region Campus)
2ND RUNNER UP: Venus A. Nisperos (Agoo Kiddie Special School-High School Department)

ON-THE-SPOT POSTER MAKING CONTEST
CHAMPION: Rongil Gebilaguin (Agoo Montessori Learning Center High School Inc.)
1ST RUNNER UP: Anthony D. Sabit (San Jose del Monte High School)
2ND RUNNER UP: Timothy Jared Baltazar (Ecumenical Christian College)

IMPROMPTU SPEAKING
CHAMPION: Anjali P. Ganesan  (St. Mary's College of Meycauayan)
1ST RUNNER UP: Ana Mercedes Gatchalian  (International School for Better Beginnings)
2ND RUNNER UP: Rian Naven Villanueva (Tarlac Montessori School)

DAGLIANG TALUMPATI
CHAMPION: Kenneth Miranda  (Dr. Yanga's Colleges, Inc.)
1ST RUNNER UP: Robby Brian De Guzman (St. Mary's College of Meycauayan)
2ND RUNNER UP: Dwight Angelo De Leon (Immaculate Heart of Mary Academy)

GROUP QUIZ BEE
CHAMPION: Philippine Science High School Cagayan Valley Campus
Christopher Pilarta Ricardo Roxas II Justine Veilor Masigan

1ST RUNNER UP: Brain & Heart of A Christian (BHC) Educational Insstitution, Inc. 
Anne Geleen Braganza Bencynnet Ofilada Gilson Josep Galera

2ND RUNNER UP: Dr. Yanga's Colleges, Inc.
Jasmine D. dela Cruz Alvin Clark J. Catacutan Adrian Renz R. Pineda